Huwebes, Abril 25, 2019

 Bisita Iglesia sa Monte Maria


 Isang kakaibang karanasan ng paglalakbay mula sa bayan ng Laurel, Batangas ibat ibang bayan ang dinaanan marating lang ang lungsod kung saan matatagpuan ang isa sa mga dinarayo tuwing mahal na araw.
Litrato ni Glenbert Canta.
Naglakbay kami gamit ang motorsiklo. sa tantiya ko mga dalawa hanggang tatlong oras kaming bumiyahe.
Ang Lungsod ng Batangas kung saan sa may isang bundok ang mula sa paanan nito ay matatanaw na ang ipinagmamalaking Monte Maria. Napakagandang pagmasdan talaga, madaming ibat ibang makikita dito, mula sa kasaysayan at buhay ni Hesukristo. Maraming tao ang dumarayo dito upang magnilay nilay tuwing Semana Santa at isa na ako duon.
Litrato ni Glenbert Canta.
Ito ang daan paitaas.
                                                                               
Litrato ni Glenbert Canta.
Mula sa paanan matatanaw na ang napakalaking imahe ng Inang Maria
.
Ito ang isa sa mga simbahan duon kung saan sariwa at dalisay ang hangin na pumapasok sa loob ng simbahan.
                                                         Litrato ni Glenbert Canta.

Litrato ni Glenbert Canta. 

Napakaganda ng tanawin mula sa itaas ng bundok.
Mula sa itaas matatanaw mo ang ganda ng kalikasan paikot. Litrato ni Glenbert Canta.
Litrato ni Glenbert Canta.
Ito naman ang loob ng mismong imahen, ito ang bahagi kung saan nagmimisa ang pari.
Hindi kami umabot sa pinakatuktok ng imahe sa kadahilanang ginagawa pa ito. Pero babalik at babalik kame dito upang makarating kami sa tuktok kung saan matatanaw mo sa kaitaasan ang buong lungsod. Umaabot sa 16th floor ang higanteng imahe ni Inang Maria kung saan, ayon sa mga taga doon ay halos abot langit na sa sobrang taas.

Litrato ni Glenbert Canta.
Isang munting sakripisyo para sa pananampalataya kay Hesukristo.
Malayo man pero sulit ang pagod sa ipinakitang kagandahan ng kalikasan mula sa Poong Maykapal.
Kung kaya bago kame umalis sa lugar hindi namin naiwasan na hindi kami mag picture taking upang sa tuwing makikita namin ito maaalala namin na minsa'y may mga bagay na hindi kayang palitan ng kalungkutan at pighati ang kaligayahan ng isang tao.








                     


1 komento:

  Bisita Iglesia sa Monte Maria  Isang kakaibang karanasan ng paglalakbay mula sa bayan ng Laurel, Batangas ibat ibang bayan ang dinaanan...