Isang kakaibang karanasan ng paglalakbay mula sa bayan ng Laurel, Batangas ibat ibang bayan ang dinaanan marating lang ang lungsod kung saan matatagpuan ang isa sa mga dinarayo tuwing mahal na araw.
Naglakbay kami gamit ang motorsiklo. sa tantiya ko mga dalawa hanggang tatlong oras kaming bumiyahe. |
Ito ang daan paitaas. |
Mula sa paanan matatanaw na ang napakalaking imahe ng Inang Maria |
Ito ang isa sa mga simbahan duon kung saan sariwa at dalisay ang hangin na pumapasok sa loob ng simbahan.
Napakaganda ng tanawin mula sa itaas ng bundok. |
Mula sa itaas matatanaw mo ang ganda ng kalikasan paikot. |
Ito naman ang loob ng mismong imahen, ito ang bahagi kung saan nagmimisa ang pari. Hindi kami umabot sa pinakatuktok ng imahe sa kadahilanang ginagawa pa ito. Pero babalik at babalik kame dito upang makarating kami sa tuktok kung saan matatanaw mo sa kaitaasan ang buong lungsod. Umaabot sa 16th floor ang higanteng imahe ni Inang Maria kung saan, ayon sa mga taga doon ay halos abot langit na sa sobrang taas. |
Isang munting sakripisyo para sa pananampalataya kay Hesukristo. Malayo man pero sulit ang pagod sa ipinakitang kagandahan ng kalikasan mula sa Poong Maykapal. Kung kaya bago kame umalis sa lugar hindi namin naiwasan na hindi kami mag picture taking upang sa tuwing makikita namin ito maaalala namin na minsa'y may mga bagay na hindi kayang palitan ng kalungkutan at pighati ang kaligayahan ng isang tao. |